Nadagdagan na naman ang listahan ng mga aktor na nangangarap makatrabaho ang Outstanding Asian Star na si Kathryn Bernardo.
Sa ginanap na Star Magical Christmas nitong Linggo, Nobyembre 24, eksklusibong nausisa ng ABS-CBN News si Kapamilya star Joshua Garcia kaugnay sa umano’y collaboration project nila ni Kathryn.
“Sana! Pero wala pa naman nasabi sa akin. Hindi pa siya totoo, pero sana,” saad ni Joshua.
Matatandaang housemate pa lang si Joshua noon sa Pinoy Big Brother ay talagang malaki na ang paghanga niya kay Kathryn.
Aniya, “PBB pa lang, crush ko na 'yon, e. Parang inamin ko naman ‘yon no’n sa PBB. Parang natutulala pa ako. Malaking achievement from humahanga lang ako sa kanya to naging magkaibigan kami.”
Kaya kung sakali man daw na magkasama sila sa isang proyekto, bet daw niyang gumawa sila ng drama na romantic.
Pero sa kasalukuyan, focus daw muna si Joshua sa upcoming series na "It’s Okay to Not Be Okay" kasama sina Anne Curtis at Carlo Aquino.
MAKI-BALITA: Joshua, Anne, Carlo gaganap sa PH adaptation ng 'It’s Okay To Not Be Okay'