November 25, 2024

Home BALITA National

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA
Courtesy: PAGASA/FB

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes, Nobyembre 25, na ang northeast monsoon o amihan at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) pa rin ang nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Mindanao dahil sa ITCZ o ang linya kung saan nagtatagpo ang hangin mula sa northern at southern hemispheres.

Inaasahan namang magdudulot ang amihan ng maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan sa Batanes, Cagayan, at Apayao.

Posibleng raw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

National

Occidental Mindoro, niyanig ng 4.0-magnitude na lindol

Samantala, inaasahan ang medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil naman sa localized thunderstorms.

Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang namamataan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).