November 24, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

'Hello, Love, Again,' lumikha ng kasaysayan; kauna-unahang Pinoy film na kumita ng ₱1B

'Hello, Love, Again,' lumikha ng kasaysayan; kauna-unahang Pinoy film na kumita ng ₱1B
Photo Courtesy: Star Cinema (IG)

Isang kasaysayan ang nilikha ng “Hello, Love, Again” ni blockbuster director Cathy Garcia-Sampana matapos umabot sa ₱1.06 billion ang kita ng nasabing pelikula.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Linggo, Nobyembre 24, “Hello, Love, Again” umano ang kauna-unahang pelikulang naitala sa kasaysayan na kumita ng 1 bilyong piso.

Kaya naman, todo-pasasalamat ang hatid ng Star Cinema para sa lahat ng nagbigay ng suporta sa pelikula.

“Thank you for the love and we love you a billion more ” saad nila sa caption ng Instagram post.

Pelikula

Kathryn Bernardo, ginawaran ng Snow Leopard Rising Star Award

Sa kasalukuyan, mapapanood pa rin ang “Hello, Love, Again” sa mga sinehan sa bansa.

Matatandaang bago pa man ito, naungusan na ng naturang pelikula ang “Rewind” nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang “highest-grossing Filipino movie of all time" noong 2023.

MAKI-BALITA: Hello, Love, Again natalbugan ang Rewind; netizens, nag-aaway sino bumitbit ng pelikula