November 24, 2024

Home SHOWBIZ

Heart, dinidisiplina rin kahit ipinanganak na may-kaya sa buhay

Heart, dinidisiplina rin kahit ipinanganak na may-kaya sa buhay
Photo Courtesy: Heart Evangelista (FB)

Hindi itinatanggi ni Kapuso star at socialite Heart Evangelista ang pribilehiyong mayroon siya sa buhay.

Sa ulat ng GMA Entertainment nitong Sabado, Nobyembre 23, sinabi ni Heart na kinikilala raw niyang may-kaya ang pinagmulan niyang pamilya.

“Pero siyempre,” pasubali niya, “dinisiplina rin kami. Spoiled kami in a sense na lahat binibigay sa 'min pero talagang sobrang thankful ako dahil 'yong tatay ko, magaling din siyang magdisiplina."

"Kailangan maging thankful ka kung anong mayro’n ka, kailangan hardworking ka. 'Yon 'yong dala-dala ko na kung may gusto ka, kailangan pagtrabahuhan mo 'yon,” wika niya.

Tsika at Intriga

MUPH, kinondena pang-ookray ng vlogger kay Chelsea Manalo

Dagdag pa ng aktres, dumating daw sa puntong nagkaroon siya ng impostor syndrome. Kinukwestiyon niya ang sarili kung karapat-dapat ba siya sa mga natatanggap niya sa buhay.

“But, as time goes by, I give a tap at the back na sinasabi ko sa 'yo na you deserve it. 'Di mo lang 'to pinaghirapan, halos makipaglaban ka para rito," aniya.

Matatandaang ang pamilyang pinagmulan ni Heart ay tanyag sa food industry. Sila ang nagmamay-ari ng iconic Filipino restaurant chain na Barrio Fiesta.