December 26, 2024

Home SHOWBIZ

Chariz, Betong may ibinuking tungkol sa ugali ni Michael V.

Chariz, Betong may ibinuking tungkol sa ugali ni Michael V.
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Michael V. (FB)

Ibinahagi nina Kapuso artists Chariz Solomon at Betong Sumaya ang katangian ni comedy genius Michael V. o Bitoy bilang katrabaho sa “Bubble Gang” at “Pepito Manaloto.”

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Chariz na very collaborative daw si Bitoy pagdating sa trabaho.

“Natutuwa siya ‘pag mayro’n kang gustong sabihin. Nakikinig siya. Kaya sa lahat talaga ng seniors na nakakatrabaho ko, ‘ba’t si Kuya Bitoy gano’n?’ Tapos ‘pag nakita mo sa iba, ‘ay, bakit gano’n?’” saad ni Chariz.

Dagdag pa niya, “Napaka-humble kasi na tao po. And no’ng last taping namin no’ng Thursday sa ‘Pepito,’ nakalimutan ko ‘yong acting na kunwari may sipon ka. Tinuro lang niya sa akin ‘yon. [...] Very generous po.”

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Samantala, sinang-ayunan din naman ni Betong ang sinabing ito ni Chariz tungkol sa pagiging mapagbigay umano ng comedy genius.

Kaya naman—ayon kay Betong—ilalagay ng sinoman sa itaas na bahagi ng resume kapag nakatrabaho ang isang tulad ni Bitoy.

“Kumbaga kung sa resume, ito ‘yong parang ilalagay mo sa taas na nakatrabaho mo siya, e,” aniya.

Sa kasalukuyan, bilang pagdiriwang sa 29th anniversary ng “Bubble Gang”—na itinuturing longest-running gag show sa bansa—nagkaroon ito ng special airing noong Nobyembre 17 at ngayong Nobyembre  24.