Ibinahagi ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes ang emosyunal na panonood niya ng isang pelikula kasama ang kaibigang si Bea Borres.
Makikita sa Instagram post ni Blythe ang pag-iyak niya habang pinapanood ang ilang eksena sa pelikulang "Wicked."
Maging si Bea ay emosyunal din sa kaniyang naging panonood.
"I’ve never felt so seen . The Wicked live action has captured my heart ," mababasa sa caption ng Instagram post.
Pero nakakaloka ang mga netizen sa comment section dahil tila binubuyo siyang manood ng "Hello, Love, Again" na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Ang HLA ay sequel ng "Hello, Love, Goodbye," na itinuturing ngayon bilang record-breaker dahil sa pagiging highest-grossing Filipino movie of all time, at kauna-unahang pelikulang Pilipino na humamig ng bilyong piso sa kita worldwide.
MAKI-BALITA: 'Hello, Love, Again,' lumikha ng kasaysayan; kauna-unahang Pinoy film na kumita ng ₱1B
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen:
"try po ninyo yung 'hello love, again'"
"Hello Love Again d.i? "
"Nanood ka na ba hello love again?"
"Kasali na yung iyak mo jan dahil dika makapanuod ng Hello Love, Again. Haha."
Hindi man sumagot si Andrea sa bashers, mismong fans at supporters na rin ang nambarda sa kanila.
"Mag-move on na po tayo!"
"Jusko, tantanan n'yo na si Blythe nakakaloka..."
"oh ay bakit andito kayo? Napanuod niyo na ba? Naintindihan niyo ba yung movie? She's a fan nung movie and relate siya kay Elphaba dahil nadin sa mga katulad niyo. Wala na kayong ibang magawa kundi manghusga ng kapwa niyo, kakatakot kayo. Ganyan din ba kayo sa mga tao sa paligid niyo?"
"Hindi naman sila nagpapansin sa Inyo pero Ayan kayo pinansin nyo Hindi yan kulang sa pansin,,sobra yan sa pansin Kasi kahit walang ginagawa eh pinapansin sila,gaya Ngayon,napansin mo sila kahit di naman sila nagpapansin sayo."
Samantala, kamakailan lamang ay naging usap-usapan naman ang larawan ni Kathryn habang nakatunghay sa isang pintong may nakasulat na "Martha Blythe."
MAKI-BALITA: Larawan ni Kathryn, inintriga; may naalala raw sa 'Martha Blythe' namesung
Matatandaang nadawit ang pangalan ni Andrea sa naging kontrobersyal na hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na inanunsyo nila noong Nobyembre 30, kasabay pa mandin ng Bonifacio Day.
MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na
MAKI–BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?
Pero ni isa sa kanila ay walang nagsalita patungkol sa isyu hanggang ngayon, kagaya rin ng pananahimik ni Blythe sa bashers niyang nagsabing manood siya ng HLA.