November 24, 2024

Home BALITA National

Amihan, ITCZ, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Amihan, ITCZ, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA
Courtesy: PAGASA/FB

Inaasahang magdudulot ng mga pag-ulan ang northeast monsoon o amihan at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Nobyembre 24, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Caraga at Davao Region dahil sa ITCZ o ang linya kung saan nagtatagpo ang hangin mula sa northern at southern hemispheres.

Inaasahan namang magdudulot ang amihan ng maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan sa Batanes at Cagayan.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

National

Anumang banta sa buhay ng pangulo, isang usapin ng ‘national security’ – Año

Samantala, inaasahan ding magdudulot ang ITCZ ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa mga natitirang bahagi ng Mindanao.

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms din naman ang posibleng maranasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang namamataan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).