November 24, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Aktor, sinapian ni April Boy Regino sa shooting ng movie tungkol sa kaniya?

Aktor, sinapian ni April Boy Regino sa shooting ng movie tungkol sa kaniya?

May rebelasyon ang aktor na si John Arcenas sa karanasan habang shino-shoot ang pelikulang "Idol: The April Boy Regino Story," sa direksyon ng aktor na si Efren Reyes.

Isinagawa ang premiere night ng pelikula noong Nobyembre 22 sa isang hotel sa Quezon Avenue, Quezon City.

Kahit na baguhan, si John ang napiling gumanap kay April Boy na at ang baguhang aktres naman na si Kate Yalung ang kinuhang gumanap para sa misis ng namayapang singer, na si Madeline.

May halong kilabot ang kuwento ni Arcenas sa media people na dumalo sa premiere night dahil kuwento niya, tila nagparamdam daw si April Boy habang kinukunan nila ang isang eksena sa mismong bahay nito sa Marikina City.

Pelikula

Matapos humakot ng bilyon: KathDen, bet utangan

Nang mga sandaling iyon, dahil nga buhay ni April Boy ang pinoportray niya, kinailangan niyang magsuot ng tunay na damit na ginamit ng yumaong singer para mas maging makatotohanan ang pag-arte niya.

Nakaramdam daw siya ng panlalamig sa paligid habang shino-shoot na ang eksena. 

Bukod sa damit ni April Boy, ang eksena ay mismong sa kuwarto nito dati. 

Sabi raw sa kaniya ng co-cast member na si Irene Celebre, nang mga sandaling gumigiling na ang camera at kinukunan na ang mga eksena niya,  si April Boy na raw ang nakikita niya at hindi na siya bilang si John Arcenas.

Pakiramdam ni John, sumanib talaga sa kaniya si April Boy, dahil sa feedback na rin ng kasamahan sa trabaho na ang pumanaw na singer na ang nakita nila sa kaniya. 

Ipapalabas ang pelikulang nagtatampok sa buhay ng iconic singer sa Nobyembre 27 sa mga sinehan.