December 27, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Sue at Dominic, mag-jowa na raw: 'Para mag-kiss na kayo, something is happening!'

Sue at Dominic, mag-jowa na raw: 'Para mag-kiss na kayo, something is happening!'
Photo courtesy: Screenshots from Ogie Diaz (YouTube/Ogie Diaz Showbiz Update)

Nakarating daw kay showbiz insider at TV host Ogie Diaz na mag-on na raw talaga ang rumored couple na sina Sue Ramirez at Dominic Roque, ayon sa kaniyang latest vlog na mapapanood sa "Ogie Diaz Showbiz Update."

Matatandaang naging laman ng mga balita, tsika, at intriga kamakailan ang dalawa matapos maispatang naghahalikan sa isang bar sa Siargao.

Dito na lumutang ang bali-balitang nanliligaw na raw si Dominic kay Sue, tutal naman, pareho na rin silang single matapos mahiwalay sa kani-kanilang mga karelasyon.

At ang nakakaloka, may tsikang pati raw si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual ay sumisingit pa sa eksena dahil naniningalang-pugad din umano kay Sue.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

MAKI-BALITA: Sue Ramirez, pinipilahan! May Dominic Roque na, may Piolo Pascual pa?

Pero sa latest tsika ni Ogie ay parang tapos na ang laban at may nanalo na.

Batay raw sa nakarating nga sa kaniya, mag-jowa na raw sina Sue at Dom. Hindi naman daw siguro hahantong sa kissing kung wala pa silang something!

"Sabi ng aking source ha, ay mag-on na raw sina Sue Ramirez at Dominic Roque," anang Ogie.

"Hindi naman kataka-taka kung totoo man ha, na sila ay mag-on na, dahil una, para alam mo 'yon, mag-kiss na kayo sa labi, siyempre something is happening, naku something is happening oh... anyway, sabi lang sa akin ng aking source, ay mag-on na raw ang dalawa, at hindi lang niya sure kung gaano na sila katagal..." dagdag pa.

Pero ang mas maganda raw, mas manggaling daw sa dalawa ang kanilang kumpirmasyon.

Mas lalong umuugong na mukhang may bahid-katotohanan ito matapos ibahagi ni Sue sa kaniyang Instagram stories ang ilan sa mga umano'y larawan ni Dominic.