November 23, 2024

Home SHOWBIZ

Matapos makaharap si Marian: Sassa Gurl, na-realize 'di siya perpektong tao

Matapos makaharap si Marian: Sassa Gurl, na-realize 'di siya perpektong tao
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), GMA Public Affairs (FB)

Ibinahagi ng social media personality na si Sassa Gurl ang kaniyang napagtanto matapos makaharap nang malapitan ang “Balota” co-star niyang si Marian Rivera.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Sassa na wala raw kapores-pores si Marian sa mukha.

“Plakada siya, Tito Boy. Diyos ko, ‘pag nakita mo ‘yong mukha niya talaga zero pores,” saad ni Sassa.

Dagdag pa niya, “May eksena nga kami, ta’s nilapitan niya ‘yong mukha ko. Diyos ko, naloka ako, ‘day. Hindi pala ako perfect na tao. Hindi pala normal ‘tong gan’tong kalaking pores.”

Agot Isidro sa napanood na video: 'Na-scam talaga mga botante!'

Kaya hindi nakapagtataka na noong makita ni Sassa sa kauna-unahang pagkakataon si Marian ay napasigaw na lamang siya.

Tila natuwa naman si Marian kay Sassa at sa isa pa nilang co-star na si Esnyr. Matatandaang sa isang panayam ay inihayag niya na gusto pa raw niyang makatrabaho ulit ang dalawa.

“Wala pa silang sinasabi, tawa na ako nang tawa. Mga lukaret ‘yong dalawang ‘yon,” ani Marian.

MAKI-BALITA: Marian bet muling makatrabaho sina Esnyr, Sassa Gurl

Ang “Balota” na pinagbibidahan nilang tatlo ay lahok sa ginanap na 20th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival kung saan ginawaran si Marian bilang Best Actress.

MAKI-BALITA: 'Bonggang birthday gift!' Marian Rivera, 'Best Actress' sa Cinemalaya 2024