February 05, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Larawan ni Kathryn, inintriga; may naalala raw sa 'Martha Blythe' namesung

Larawan ni Kathryn, inintriga; may naalala raw sa 'Martha Blythe' namesung
Photo courtesy: via The Scoop (FB)

Usap-usapan ang kumakalat na larawan ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo kung saan makikitang naka-pose siya sa isang pinto na may paskil na isang pangalan.

Mababasa sa nakapaskil sa pinto ang address na Harbourside 58 kung saan nakasulat naman ang pangalan na "Martha Blythe."

Ang mas nakakaintriga kasi rito ay ang facial expression ni Kath, na ininterpret ng mga netizen na parang may naalala raw sa pangalan.

Ang pangalang "Blythe" kasi ay nickname ng kapwa Kapamilya star na si Andrea Brillantes.

Tsika at Intriga

Mixed emotions? Cristine kinuyog sa pa-RIP kay Barbie Hsu, self-b-day greeting

Matatandaang nadawit ang pangalan ni Andrea, o ni Blythe, sa pinag-usapang hiwalayan nina Kathryn at reel/real ex-partner na si Daniel Padilla, na naging dahilan para mabuwag ang tambalang "KathNiel."

Pero hanggang ngayon, wala pa rin sa kanila ang nagsasalita patungkol sa nabanggit na isyu. 

Kaya ang mga mapang-asar na netizens, parang naalala raw ni Kathryn si Blythe sa nabanggit na namesung.

Samantala, wala pa namang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Kathryn at Andrea patungkol sa pang-iintriga ng mga netizen.