Itinanghal bilang grand winner ang KZ Tandingan ng La Union na si Vyan Dela Cruz sa Grand Finals ng “KalokaLike Face 4.”
Sa latest episode ng “It’s Showtime” nitong Sabado, Nobyembre 23, ipinamalas ng mga grand finalist ang kani-kanilang husay sa panggagaya.
Ngunit sa kanilang lahat ay si Vyn ang pinalad na magwagi. Kaya naman halos maluha siya nang ianunsiyo ang resulta ng laban.
Makakatanggap si Vyn ng kabuuang ₱300,000 bilang premyo sa kaniyang pagkapanalo.
Samantala, ang kalokalike ni Bruno Mars ay nakuha ang ikalawang pwesto at ikatlong pwesto naman ang nasungkit ng kalokalike ni Daniel Padilla.
Sa kabila nito, hindi naman umuwing luhaan ang mga impersonator nina Ariana Grande at Jhoana Robles dahil nakatanggap pa rin sila ng special awards. Pati si “Bruno Mars” na runner-up na ay ginarawan din nito.
Nagsilbing mga hurado sa ultimate face-off na ito sina Mavy Legaspi, JC De Vera, Gladys Reyes, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Ruffa Mae Quinto.