Tila walang kapaguran sa buhay ang BINI member na si Jhoanna Robles dahil sa halos sunod-sunod niyang ganap.
Sa isang Instagram post ni Jhoanna nitong Sabado, Nobyembre 23, ibinahagi niya ang naging transition niya mula sa ginanap na Grand BINIverse Concert patungo sa musical rerun ng “Tabing Ilog” upang gampanan ang karakter ni “Eds.”
“Hindi mo malalaman na kaya mo kung hindi mo susubukan. I only had one day of rehearsal for this, pero grabe lang ang pag-alalay at suporta ng SJE barkada para mairaos ko ang first show na ‘to,” saad ni Jhoanna.
“I literally had no rest after the concert,” pagpapatuloy niya, “pero hindi ko alam, kapag nasa Tabing Ilog ako, may ibang energy akong nafeefeel. Ibang klase ng ‘pahinga’ kaya pipiliin kong bumalik nang bumalik dito.”
Kaya naman, todo-pasasalamat si Jhoanna sa Blooms nanonood ng nasabing musical rerun. Gayundin sa “Tabing Ilog” team at sa mga kagrupo niya.
“Kita-kits ulit sa San Juan E! ” pahabol pa niya.
Matatandaang noong 2023 ay nauna nang ipakilala sa publiko ang mga bagong cast ng “Tabing Ilog” musical.
MAKI-BALITA: BINI Jhoanna, magbabalik sa musical rerun ng 'Tabing Ilog'