December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!
Photo Courtesy: It's Showtime (FB)

Tuluyan nang tinuldukan ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdez ang intrigang mamamaalam na ang “It’s Showtime” sa Kapuso Network.

Sa ulat ng GMA Entertainment nitong Biyernes, Nobyembre 22, sinabi ni Gozon-Valdez na pinoproseso na raw ang negosasyon para sa renewal ng nasabing noontime show.

"We are in the process of negotiations now for the renewal of Showtime," aniya.

Matatandaang noong Huwebes, Nobyembre 21, lumabas sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) na hanggang Disyembre na lang umano ang pag-ere ng “Showtime” dahil mapapalitan na ito ng countdown variety show na “TiktoClock.”

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

MAKI-BALITA: It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

Pero bago pa man ito, matunog na noong una pa lang na talagang hanggang Disyembre lang ang “Showtime” sa GMA, matapos ngang matsugi sa ere ang "Tahanang Pinakamasaya."

MAKI-BALITA: 'It's Showtime,' pinagbabalakan nang masama; bet makuha ng iba?

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ opisyal nang mapapanood sa GMA sa Abril!