December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, ayaw ng may kahati sa relasyon: 'Alam ko worth ko!'

Arra San Agustin, ayaw ng may kahati sa relasyon: 'Alam ko worth ko!'
Photo Courtesy: Arra San Agustine (YT)

Ibinahagi ni Kapuso actress Arra San Agustin ang kaniyang pananaw tungkol sa infidelity o sa mga tao na nagloloko sa kanilang karelasyon.

Sa ulat ng Balitambayan ng GMA nitong Huwebes, Nobyembre 21, na sinabi umano ni Arra sa isang panayam na ang mga taong nagloloko sa relasyon ay may malaking insecurity sa sarili.

"Feeling ko insecure sila sa sarili nila. Kasi parang hindi sila kontento so hanap sila nang hanap ng iba," saad niya.

Kaya naman payo ng aktres, kung hindi kayang magkaroon ng isang boyfriend o girlfriend, mas mabuting huwag na munang pasukin ang pakikipagrelasyon upang hindi makasakit ng ibang tao.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya, “Dapat ilalagay mo lagi sa isip mo na 'wag kang tatapak ng ibang tao, 'wag mo silang sasaktan intentionally."

Bukod dito, naibahagi rin ni Arra na minsan na rin daw siyang nakaranas pagsabayin ng isang lalaki sa isa pang babae.

Ayon sa kaniya, “Parang no'ng nagsisimula pa lang kami parang mayroon siyang pinagpipilian, dalawa kami. E medyo late ko na nalaman ito, nang nalaman ko na pinagpipilian kami, ‘no." 

"Alam ko ‘yong worth ko na hindi ako option... I'm number 1. Hindi ako option,” dugtong pa niya.

Matatandaang kumalat noong Nobyembre 2023 ang mga video clip ng sweet moments ni Arra at ng co-host niyang si Paolo Contis sa noontime show na “Eat Bulaga”.

Hindi tuloy naiwasan ng mga netizen na magbigay ng mga ispekulasyon kung may nabubuo bang relasyon sa pagitan nilang dalawa.

MAKI-BALITA: ‘Co-hosting as a friend?’ Paolo Contis, Arra Agustin sweet sa Eat Bulaga

Ngunit sa isang panayam, nilinaw ni Paolo na ang mga kumalat na video clip nila ni Arra ay “maliciously edited.”

MAKI-BALITA: Paolo Contis, nagsalita na tungkol sa kanila ni Arra