December 23, 2024

Home BALITA National

Nanay ng doktor na kauuwi lang sa Pinas galing US, patay sa car accident

Nanay ng doktor na kauuwi lang sa Pinas galing US, patay sa car accident
Photo courtesy: Doc Jude Rey (FB)

Viral ang Facebook post ng isang doktor na si "Doc Jude Rey Pagaling" matapos niyang ibahagi ang nakadudurog-pusong aksidenteng kinasangkutan ng kaniyang inang balikbayan mula sa Amerika.

Batay sa Facebook post ng doktor, sinalubong niya ang inang si Engineer Emilyn Casinabe Pagaling sa airport, Miyerkules, Nobyembre 20 kasama ang iba pang kaanak.

"Welcome home mama and papa! How was the trip to the US ?" mababasa pa sa masayang caption ng post ng doktor, kalakip ang larawan nila ng pamilya.

Subalit ilang oras lamang ay naaksidente umano ito matapos mabangga ng isang Ford Everest sa Diversion Road, sakop ng Barra, Opal, Misamis Oriental.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Batay sa mga ulat at impormasyon, menor de edad umano ang driver ng sasakyang bumangga naman sa Ford Expedition na kinasasakyan ng kaniyang ina.

Makikita sa isang post ni Doc Jude Rey ang halos wasak na bahagi ng kotse, na may caption na "Doktor ko pero wala na ko na-save akong mama."

Sunod-sunod din ang naging posts ng doktor na nagbibigay tribute at alaala sa kaniyang mahal na ina.

Nabagbag naman ang puso ng mga netizen sa masaklap na trahedyang ito, at nanawagan silang papanagutin kung sinuman ang nakabangga sa sasakyan ng ina ng doktor para makamit ang hustisya.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang linaw kung nasukol ba ang suspek na nagmamaneho sa sasakyang nakabangga sa kotse ng biktima. 

Nakipag-ugnayan ang Balita kay Doc Jude Rey subalit wala pa siyang tugon.