Hindi pinalagpas ng paresan owner, social media personality, at 4th nominee ng Vendors party-list na si Deo Balbuena a.k.a. "Diwata" ang isang netizen na nagsabing lipas o laos na siya at wala na siyang customers sa kaniyang paresan.
Ibinahagi kasi ni Diwata sa kaniyang social media account ang larawan niya habang nakikita sa background ang kaniyang puting GWM car.
"Tambay muna dito sa aking GWM pickup!" mababasa sa caption.
Habang marami ang nagko-congratulate sa kaniya dahil sa mga nakuhang milestone at achievement sa buhay, isang netizen naman ang sumingit at nagkomento laban sa kaniya.
"Wala na custumer diwata lumipas naa," anang basher.
Tugon naman ni Diwata, "ano tawag mo sa sobrang dami mga costomer ko? baklang to nakapaka inggotira."
Isa pang basher ang nagsabing darating daw ang panahong isasanla rin ni Diwata ang kaniyang mamahaling kotse.
"Lilipas din yan diwata pares over fans page. Taga mo sa bato, masasangla mo yan."
Sey naman ni Diwata, "eh ano kung maisangla ko ano problema mo ? eh akin man ito lahat? ano pinaglalaban mo?"
Samantala, bukod sa kaniyang GWM pick-up car, ibinida rin ni Diwata na maglalabas din siya ng kanta.
Ipinakita niya sa kaniyang socmed account ang video at photos ng kaniyang "recording artist era."