Binuweltahan ni Chloe San Jose ang isang basher na nagkomento sa kaniyang congratulatory Facebook post para sa partner na si Carlos Yulo.
Kamakailan lamang, tinanggap ni Caloy ang award ng lifestyle magazine sa Shangri-La The Fort, Manila.
Ang nabanggit na parangal ay "Impact Award for Culture," na iginawad sa kaniya dahil sa naging impluwensya niya matapos ang pagkapanalo sa 2024 Paris Olympics.
"Honored and humbled to receive the Tatler Impact Award for Culture " ani Caloy.
"Inaanyayaan ko po na patuloy natin hubugin ang kultura sa sports at suportahan ang mga atletang Pilipino " aniya pa.
Batay sa mga larawang ibinahagi niya sa Instagram post, kasama niya sa awarding ceremony ang jowang si Chloe San Jose.
Nag-post naman si Chloe ng kaniyang pagmamalaki para sa kaniyang jowa.
"Bursting with pride for my mahal Carlos ," mababasa sa caption ng post.
"You’ve worked so hard and poured so much of yourself into everything you do. This award is a testament to your incredible talent, passion, and heart."
"Congratulations on your Tatler Impact Award for Culture, Dada!! I’m so proud of you, today and always "
MAKI-BALITA: Chloe proud today and always sa 'Dada' Caloy niya
Sinita naman ng isang basher ang mga photos niya sa post. Bakit daw mas marami pa ang larawan niya kaysa kay Carlos? Sa dulo, tila tinawag pa siyang "Narcissistic" o masyadong mahal ang sarili.
"Yung award para kay Caloy pero ang photos as usual puro na naman about you. NARC," mababasa sa komento ng basher.
Saad naman ni Chloe, "You're on my page, obviously the photos would be of me... please go ahead and feel free to check Carlos' account, his pictures are there lol *common sense *"
Tirada naman ng kapwa netizens sa basher:
"maging masaya ka na lang. Ang ganda nilang pagmasdan, di ba?"
"malamang sya Ang gf alangan picture mo ang ilagay."
"picture mo nlng ilagay nya para dika na mainggit .."
Bukod sa nabanggit na lifestyle magazine, pinarangalan din ng isa pang magazine si Carlos bilang "Athlete of the Year."