Usap-usapan ang Instagram post ni Optimum Star Claudine Barretto patungkol sa paghahanap niya ng stay-in secretary, personal assistant at accountant para sa kaniya.
Batay sa kaniyang post, nagpapatulong siya sa kaniyang mga tagasuporta at tagahanga na makahanap ng isang mapagkakatiwalaang sekretarya at personal assistant na sanay sa puyatan, mag-aayos ng kaniyang mga schedule at ng mga bata, at mag-aaccount sa kaniyang pera.
Bukod dito, kailangan din itong multitasker na gaya niya, malinis, at organisado.
"palanggas pls help me find pwedeng stay in na secretary,Personal assistant na sana sanay sa puyatan at very masipag,ma respeto .better if yung Personal assistant may experience din sa accounting.yung every Friday i rereport how much kinita at how much ang nabawas at kung saan ginamit yung money.take care of the schedule ko at mga bata.also sya magpapatakbo ng lahat sa bahay namin & sanay sa puyat kasi ganun po talaga sa shootings/tapings.yung masipag,alerto,multitasker gaya ko po.at important very neat & organized."
"pls pray na tamang tao sng makukuha ko to be an assistant.pls send you're bio data/resume,NBI CLEARANCE.kindly send all requirements to [email protected] to hear from all of u the soonest please pray for the perfect personal assistant/accountant.maraming maraming salamat po sa inyo.thank u for the help in advance.Godbless po sa inyong lahat ," mababasa pa sa kaniyang Instagram post.
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang updates si Claudine kung may nakapag-aplay na ba, o may tinanggap na siya.