December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sam Verzosa, hindi raw pinush ng ama na pumasok sa politika

Sam Verzosa, hindi raw pinush ng ama na pumasok sa politika
Photo courtesy: Sam Verzosa (FB)

Ibinunyag ni Manila mayor candidate at Tutok to Win party-list representative na si Sam Verzosa na walang kinalaman ang kaniyang yumaong ama sa pagpasok niya sa politika, kundi isa lamang ito sa kaniyang inspirasyon.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Verzosa nitong Lunes, Nobyembre 18, naitanong sa kaniya kung meron bang kinalaman o impluwensiya ang kaniyang ama sa pagdedesisyon niya sa pagtakbo bilang mayor ng Maynila sa 2025 midterm elections.

Sinabi ni Verzosa na kaya raw nagkaroon ng “Dear SV” na public service series ay dahil inialay niya raw ito sa kaniyang ama. Ang ama raw niya ang nagturo sa kaniya kung paano magbigay kahit na kahuli-hulihang halaga na mayroon sa wallet sa mga taong nangangailangan, dahil Diyos na raw ang bahala sa kanila.

“Wala siyang kinalaman sa pagtakbo ko per se, tumakbo ka ng Maynila kasi wala ito sa plano pero in some ways siguro naimpluwensyahan niya ako sa pagtulong, yung pagtulong ng pagbigay. Na huwag magbulag-bulagan sa mga bagay,” ani Verzosa.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Kamakailan ay inauction niya ang ilan sa mga mamahalin niyang sports cars na nagkakahalaga ng ₱200M mahigit upang makapagtayo raw ng dialysis at diagnostics center sa Sampaloc.

Dagdag pa niya, noong panahon ng pandemya ay inauction niya rin daw ang kaniyang Ferrari, wala pa raw siya sa posisyon noong gawin niya ito.

Nitong nakaraang taon ay inauction niya rin daw ang brand new Maserati niya upang makapagpatayo ng Bone Marrow Facility sa PGH.

“Last year, inauction ko yung brand new Maserati—dinonate ko actually..’di ko sure para makapagtayo ng Bone Marrow Facility sa PGH….so ito ginagawa ko na,”aniya.

Ayon kay Verzosa, may ipinabili raw sa kaniya ang kaniyang ama na isang sasakyang nagustuhan nito. Subalit hindi na raw nito naabutan ang nasabing sasakyan, kaya napagpasyahan nilang isama ito sa auction. Naniniwala si Verzosa na mas magiging masaya ang kaniyang ama kung mas maraming tao ang makikinabang sa mapagkakakitaan mula sa pagbebenta ng sasakyan.

“May pinabiling sasakyan yung father ko na nagustuhan niya agad na car, ‘di niya naabutan. Basically, pinadala namin dito. Sinama ko po sa auction. Sabi ko it's a Bentley SUV—Bentley Bentayga, sabi ko baka mas masaya yung papa ko mas makinabang maraming tao kaysa nakastock lang sa garahe.” aniya pa

Naniniwala raw si Verzosa na proud sa kaniya ang kaniyang ama.

KAUGNAY NA BALITA: Sam Verzosa, gusto ng pagbabago kaya tatakbong mayor ng Maynila

 KAUGNAY NA BALITA: Sam Verzosa, may go signal ba kay Rhian Ramos bago tumakbong Manila mayor?

KAUGNAY NA BALITA: Sam Verzosa, nakikita na bang 'The One' ang partner na si Rhian Ramos?

Mariah Ang