December 22, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Puso ni Alyssa Valdez, may bagong kinakikiligan?

Puso ni Alyssa Valdez, may bagong kinakikiligan?
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Ran Takahashi (IG)

Tila may bagong nagpapakilig sa tinaguriang “Phenom of Philippine Volleyball” na si Alyssa Valdez.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Nobyembre 19, napag-usapan si Japanese volleyball star Ran Takahashi na naging bahagi ng 2024 Paris Olympics.

"He's super nice, good looking, plays well as well," paglalarawan ni Alyssa kay Ran.

Dagdag pa niya: "I think one thing kaya din very interactive 'yong conversation namin because back then during that time kailangan niya agad bumalik ng Japan, and he wanted to show his love for all the fans kasi hindi niya po natapos 'yung mga games niya dito sa Manila." 

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

Matatandaang nasa Pilipinas si Ran noong Hunyo para sa Volleyball Nations League (VNL).

At nang tanungin naman ni Boy si Alyssa kung nagkaroon ba ng spark sa pagitan nila ni Ran, natawa na lang ang dalaga.

Pero hindi pa rito natapos ang lahat, dahil sa segment na “Fast Talk,” inusisa ang “Phenom of Philippine Volleyball” kung may bagong nagpapakilig dito.

Sagot ni Alyssa, “Guilty.”

Kaya naman ang tanong, si Ran na ba ang muling magbubukas sa puso ni Alyssa matapos ang breakup nito kay professional basketball player Kiefer Ravena noong 2022?

MAKI-BALITA: Alyssa Valdez sa love life: 'It should be inspiring!'