December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ken Chan, pinagbawalan na raw magsalita ng kaniyang legal team?

Ken Chan, pinagbawalan na raw magsalita ng kaniyang legal team?
Photo Courtesy: Ken Chan (IG)

Tila lalo raw nadidiin ang Kapuso actor na si Ken Chan sa pagpapahayag ng panig nito sa publiko kaugnay sa syndicated estafa na kasong kinakaharap nito.

MAKI-BALITA: Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Nobyembre 20, itsinika ni showbiz columnist Cristy Fermin na wala raw alam ang legal team ni Ken sa pagsasalita nito.

“Pinag-usapan natin noong nag-post siya sa IG account niya noong tungkol sa kaniyang depensa sa mga isyung kinapapalooban niya ngayon, walang alam ang kaniyang legal team,” saad ni Cristy.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

“Sinabihan na siya…kaya lang huli na noong sabihan siya. Nagawa na, e,” segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika. 

Dagdag pa nito: “Pumasok na ang maraming mga komento at kung ano-ano pa at dadagdag pang mga kaso. Kasi nabigyan ng chance ‘yong mga magrereklamo.”

Kaya naman payo ni Cristy, hindi raw talaga dapat idinadaan sa social media ang pagresolba sa mga kasong gaya ng kay Ken.

“Wala ‘yan sa social media. Nasa piskal ‘yan, nasa korte. [...] Hindi na dapat mag-post pa si Ken Chan. Lalo lang siyang nadidiin,” aniya.

Matatandaang muling sinubukan ng pulisya na silbihan ng warrant of arrest noong Nobyembre 8 si Ken ngunit bigo silang makita ang aktor sa bahay nito.

MAKI-BALITA: Ken Chan, sinilbihan ulit ng arrest warrant; wala raw ulit sa bahay?