December 21, 2024

Home SPORTS

'Golden Boy' Carlos Yulo, itinanghal na Athlete of the Year!

'Golden Boy' Carlos Yulo, itinanghal na Athlete of the Year!
Photo courtesy: screenshot from PEP/TikTok

Bago pa man tuluyang matapos ang 2024, tila tuluyang itinodo ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na hakutin ang mga pagkilala, matapos siyang gawaran ng dalawa pang parangal noong Nobyembre 19, 2024.

Muling kinilala ang tagumpay at kontribusyon ni Caloy sa larangan ng pampalakasan nang tagampin niya ang “Athlete of the Year” at “Man at His Best” awards mula sa isang magazine brand sa bansa.

Sa pagtanggap niya ng naturang awards, muling nagpasalamat si Caloy sa mga sumuporta at nagdasal daw para makamit niya ang naiuwing mga medalya noong 2024 Paris Olympics.

“After po talaga ng Olympics, hindi ko po talaga inexpect na ise-celebrate siya ng buong Pilipinas. Kaya nagpapasalamat po ako nang marami sa lahat ng sumuporta, nagdasal, nagpuyat at nagtake po talaga ng time,” ani Carlos.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Samantala, kamakailan nga ay isang parangal na rin ang natanggap ni Caloy bilang “Impact Award for Culture” mula sa isa pang lifestyle magazine, kaugnay pa rin ng matagumpay niyang laban sa Olympics.

KAUGNAY NA BALITA: Carlos Yulo, honored at humbled sa natanggap na Impact Award for Culture

Kate Garcia