December 22, 2024

Home SHOWBIZ Events

Charo Santos, 'high' pa rin matapos mapanood ang BINI concert

Charo Santos, 'high' pa rin matapos mapanood ang BINI concert
Photo Courtesy: Charo Santos (IG)

Tila iba ang epekto ng first solo concert ng nation's all-female group na BINI kay dating ABS-CBN President Charo Santos-Concio.

Sa latest Instagram post ni Charo nitong Martes, Nobyembre 19, sinabi niyang high pa rin daw siya matapos mapanood ang naturang concert.

“Still on a high from BINI’s first solo concert! ” saad ng dating ABS-CBN president sa caption.

Dagdag pa niya, “Watching their journey from hopeful trainees to powerhouse performers was pure joy. Congratulations on a night filled with passion, heart, and music that moved us all. ”

Events

Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon ang post ni Charo mula sa mga netizen. Naritoang ilan sa kanilang mga komento:

"Mas lalong bumabata c madam Charo "

"Kaya po pala nagalit my ari ng tindahan ng siopao Nagpa alam kaba aling tindeng"

" eeeyyyy"

"hat was fun Mam CSC! "

"Bini Charo "

"Ikaw n talaga mam Charo santos-concio"

"grsbe po, thank you for supporting the girls "

"Hahahaa original na BINI"

"Ang cute mo po ma'am Charo "

Samantala, pinarangalan naman ng Araneta Coliseum ang BINI bilang first Filipino girl group na matagumpay na naidaos ang three outstanding sold-out Center Stage sa Big Dome.