December 22, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Mga nasalanta ng bagyo, maaambunan ng kita ng 'Hello, Love, Again'

Mga nasalanta ng bagyo, maaambunan ng kita ng 'Hello, Love, Again'
Photo Courtesy: Star Cinema (IG), via MB

Umabot na sa ₱566 million ang kinita ng “Hello, Love, Again” ni Direk Cathy Garcia-Sampana sa Pilipinas noong Lunes, Nobyembre 18. 

Sa ulat ng ABS-CBN News, Martes, Nobyembre 19, todo-pasasalamat ang dalawang lead stars ng nasabing pelikula na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Ayon kay Kathryn, “We’re so blessed because binigyan ng mga tao ng chance ‘yong pelikula namin at lahat ng nare-receive namin. Wala na kaming mahihiling pa.” 

“Maraming salamat sa pagmamahal at suporta na binibigay niyo sa amin at sa pelikula,” segunda naman ni Alden.

Pelikula

Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin

Dagdag pa niya, “No words can express how grateful we are for the turnout and we’re very happy na maraming naka-appreciate nito.”

Kaya naman bilang balik sa suportang natanggap nila mula sa mga tao, napagpasyahang ang ilang bahagi ng kinita ng pelikula ay itulong sa mga nasalanta ng bagyo sa bansa.

“Gusto naman natin all the time makatulong sa mga nangangailangan. This is our small way of helping out sa mga nangyaring tragedy in the past weeks,” saad ni Alden.

Matatandaang naiulat noong Linggo, Nobyembre 17, nakaposisyon ang  “Hello, Love, Again” bilang ikawalo sa 10 pelikulang may pinakamalaking kinita sa Amerika.

MAKI-BALITA: 'Hello, Love, Again,' pasok sa Top 10 highest grossing film sa US