November 19, 2024

Home BALITA National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Ilocos Sur

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Ilocos Sur
Courtesy: Phivolcs/website

Isang magnitude 4.3 na lindol ang tumama sa probinsya ng Ilocos Sur nitong Martes ng madaling araw, Nobyembre 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:50 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 106 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng  Santa Catalina, Ilocos Sur, na may lalim na 30 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

VP Sara at Sen. Raffy, nanguna sa survey para sa pagkapangulo ng ‘Pinas

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.