January 22, 2025

Home SHOWBIZ

Long Mejia, umamin kay Maricel Soriano: 'Crush kita!'

Long Mejia, umamin kay Maricel Soriano: 'Crush kita!'
Photo Courtesy: Screenshots from Maricel Soriano (YT)

Diretsahang inamin ng komedyanteng si Long Mejia ang damdamin niya noon para kay Diamond Star Maricel Soriano.

Sa latest episode ng vlog ni Maricel kamakailan, naisingit ni Long ang paghanga niya sa batikang aktres nang kumustahin siya nito.

“Alam mo ba na crush kita? Crush kita. Dadalawa lang ang crush ko sa showbiz noong araw. Pops Fernandez at Maricel Soriano,” saad niya.

“Si William Martinez naunahan lang ako niyan, e,” pagpapatuloy ni Long. “Dinaan lang sa sayaw nito si William, e.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Dagdag pa ng komedyante, “No’ng ginagawa mo ‘yong ‘The Maricel Drama Special,’ ako ay isang cable man mo roon.  Ako ‘yong nasa likod ng camera. Kasi inaarkila n’yo ‘yong camera no’ng pinagtatrabahuhan n’yo sa opisina.”

Bukod dito, ibinahagi rin ni Long ang tindi ng epekto sa kaniya ng pabango ng Diamond Star.

Aniya, ”Hindi ko malimutan—siguro tatlong metro na, nakauwi ka na—’yong pabango mo naiiwan pa sa akin.”

Tila nawindang naman si Maricel sa rebelasyong ito ni Long dahil wala raw siyang kaide-ideya sa paghanga nito sa kaniya.