December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Jolina Magdangal, mabigat ang kalooban; ilang gabi nang walang tulog

Jolina Magdangal, mabigat ang kalooban; ilang gabi nang walang tulog
Photo Courtesy: Jolina Magdangal (IG)

Ibinahagi ng TV host-actress na si Jolina Magdangal ang dahilan ng mabigat niyang kalooban at kung bakit ilang gabi na siyang walang tulog.

Sa latest Instagram post ni Jolina nitong Martes, Nobyembre 19, sinabi ni Jolina na nagkasakit umano ang bunso niyang anak na si Vika.

“Bigat talaga sa kalooban pag nagkakasakit ang anak natin. Ilang gabi na rin ako hindi makatulog kasi pagising gising si Vika dahil hirap sya sa ubo at sipon nya, at nakamonitor kami kasi baba taas yung lagnat nya,” saad ni Jolina.

Ayon sa TV host-actress, may iniinom na raw namang gamot si Vika simula nang ipakonsulta niya noong Sabado. Pero sumasakit daw ang tiyan nito kapag umuubo.

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

“Mas naging ok sya ngayon kesa kahapon. Daming bata sa ER kawawa. Ingatan natin mga anak natin sa Flu,” dugtong pa niya.

Sa gitna ng kalagayang ito, naalala ni Jolina ang madalas daw sinasabi sa kaniya ng mga magulang niya tuwing siya ang may-sakit noon.

“‘Anak, bigay mo nalang kay Mama yang ubo at sipon mo para hindi ka mahirapan,’” aniya. “Nasabi nyo din ba yun sa babies nyo pag nahihirapan sila pag may sakit?” 

Nagpaabot naman ng mga panalangin at hiling ng paggaling para kay Vika ang mga kasamahan ni Jolina sa showbiz industry tulad nina Melai Cantiveros, Ogie Diaz, Camille Prats, Agot Isidro, at iba pa.