December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Coco Martin, nagtapon ng ₱11M; pinatibag kuwarto ng mga kapatid

Coco Martin, nagtapon ng ₱11M; pinatibag kuwarto ng mga kapatid
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT), Freepik

Ibinahagi ni Kapamilya Primetime King Coco Martin ang kuwento sa likod ng unang bahay na ipinatayo niya noong kumikita na siya bilang artista.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan, sinabi ni Coco na nagtapon daw siya ng  ₱11M  noong ginagawa raw ang nasabing bahay dahil naliitan siya sa kuwarto ng kaniyang mga kapatid.

“‘Yong bahay ko, kung saan ako nakatira ngayon, [...] no’ng natatayo na siya, patapos na siya, tapos nakita ko ‘yong kuwarto ko medyo malaki. So, nakita ko ‘yong mga kuwarto ng mga kapatid ko, maliit,” lahad ni Coco.

“Maliit sa mata ko. Pinatibag ko. Nagtapon ako ng ₱11M para lang [baguhin]. Hindi man pareho pero alam kong maayos sila, ‘yong komportable,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

Dagdag pa ng aktor: “Siyempre, alam mo naman ‘yong mga arkitekto, sa condo malaki na ‘yan. Pero sa mata ko kasi, paano ako magiging masaya tapos gano’n lang? Hindi pantay?”

Ayon kay Coco, pangarap daw kasi niyang mabuo ang hiwalay niyang pamilya. Pero hindi raw pala umaayon ang imahinasyon sa reyalidad. Dahil kahit magkakasama na raw sila, hindi pa rin maiwasang magkaroon ng problema.

“Siyempre, may mga pamilya na sila, nagkakaroon ng conflict. Pangit mang aminin, ang sarap isipin, pero hindi talaga gano’n. Nagkakaroon pa rin ng conflict,” aniya.

Kaya ang ginawa na lang ni Coco, iginapang niyang magkaroon ng sari-sariling bahay ang kaniyang mga kapatid sa isang subdivision para kahit papaano ay magkakasama pa rin sila.

MAKI-BALITA: Coco Martin, nahiya nang ipasok sa 'Batang Quiapo' 2 niyang kapatid