Nagbigay ng pahayag ang YG Entertainment kaugnay sa “Welcome Back Tour” ng 2NE1 sa Manila nitong Linggo, Nobyembre 17.
Sa inilabas na pahayag ng nasabing record label, humingi sila ng paumanhin sa fans dahil hindi na nakapagpatuloy pa si 2NE1 member Park Bom sa pagtatanghal nito.
“We are deeply sorry to let you know that Park Bom of 2NE1 was unable to complete her performance due to health-related issues,” saad ng YG Entertainment.
Dagdag pa nila: "Despite receiving emergency medical attention on-site, her condition did not improve, and unfortunately, she was unable to return to the stage."
Sa huli, nagpasalamat ang YG Entertainment at sinabing gagawin ang kanilang makakaya upang tiyakin ang full recovery ni Park Bom.
Matatandaang unang inanunsiyo ang tungkol sa comeback concert ng 2NE1 noong Hulyo matapos ang kanilang isang dekadang hiatus.
MAKI-BALITA: Kaya bigatin mga guest? Grand BINIverse concert, makakasalpukan ang 2NE1