Isang kasaysayan ang naitala ng “Hello, Love, Again” ni Direk Cathy Garcia-Sampana matapos nitong makaposisyon bilang ikawalo sa 10 pelikulang may pinakamalaking kita sa Amerika ngayong linggo.
Sa ulat ng Deadline nitong Linggo, Nobyembre 17, kumita umano ang nasabing pelikula ng $2.4M sa unang linggo nito.
“That’s an awesome opening record for a Filipino movie beating the entire gross of the Dante Bosco romcom, The Debut ($1.7M) from 2000,” saad sa ulat.
Dagdag pa ng Deadline: “It’s also the widest ever for a Filipino feature. ‘Hello, Love, Again’ also had the highest theater average of the weekend at $9.7K.”
Matatandaang sa unang araw pa lang ng pagpapalabas ng “Hello, Love, Again” sa Pilipinas ay kumita na agad ito ng ₱85M.
MAKI-BALITA: Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!
Ang nasabing pelikula ay sequel ng “Hello, Love Goodbye” noong 2019 na pinagbidahan nina Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo at Asia’s Multimedia Star Alden Richards.