December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Coco, sinisi nga ba ang magulang dahil 'di siya naturuang mag-English?

Coco, sinisi nga ba ang magulang dahil 'di siya naturuang mag-English?
Photo Courtesy: Coco Martin (IG)

Hindi itinatanggi ni Kapamilya Primetime King Coco Martin ang kahinaan niya pagdating sa wikang English.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” nitong Linggo, Nobyembre 17, nausisa si Coco kung sinisi raw ba niya ang mga magulang dahil hindi sya sinanay magsalita sa nasabing wika.

“Sana kung may mga magulang ka talaga na ginabayan ka, tinutukan ka sa pag-aaral at paglaki, wala sa akin ‘yon. Kumbaga, hindi isyu sa akin ‘yon,” saad ni Coco.

“Kaso, ‘pag binabalikan ko rin at sinasabi ko nga lagi, hindi rin ako nagtanim ng sama ng loob sa mga magulang ko noong nag-separate sila tapos nagkahiwalay-hiwalay kaming magkakapatid,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

Dagdag pa ng aktor: “Kung ‘di rin nangyari ‘yon, wala rin ako ngayon dito. Hindi ako magpupursige. Siguro that time kung maayos ‘yong pamilya ko, naalagan kami nang tama ng mga magulang ko, normal ako. Hindi ganito ‘yong drive ko.”

Kaya naman ang ginagawa ni Coco, mas tinututukan niya ang mga bagay na magagawa niya nang mas mahusay.

“Para ‘wag akong mahalata o masira, dito ko kakabigin. Tapos pagbubutihan ko dito,” aniya.