December 22, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Coco Martin, nahiya nang ipasok sa 'Batang Quiapo' 2 niyang kapatid

Coco Martin, nahiya nang ipasok sa 'Batang Quiapo' 2 niyang kapatid
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz, ABS-CBN Entertainent (YT)

Inamin ni Kapamilya Primetime King Coco Martin na nahiya raw siyang ipasok ang kaniyang dalawang kapatid na sina Ronwaldo Martin at Ryan Martin sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” nitong Linggo, Nobyembre 17, sinabi ni Coco na nag-aalala raw siya sa iisipin ng ibang tao na kaya nakapasok ang dalawa sa serye ay dahil kapatid niya.

“Sabi ko naman, ibang tao nga natutulungan. Bilang Pilipino, tutulungan mo rin ‘yong kapatid mo. Pero lagi kong sinasabi talaga, ang pinakaayaw ko sa lahat ‘yong mapapahiya ako,” saad ni Coco.

“Kasi ayaw kong masira ‘yong pangalan ko sa mga boss, ‘di ba, sa mga tao. Na porke kapatid ganiyan? Ayaw ko ‘yong baka mag-feeling-feeling sa set o magtamad-tamaran,” wika niya.

Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

Dagdag pa ng aktor, hindi raw niya itinuturing na iba sa mga kasambahay ang mga kapatid niya. 

“Gano’n ako kabalanse,” aniya.

Matatandaang sa “Batang Quiapo” unang sumabak sa pag-arte si Ryan samantalang sa “FPJ’s Ang Probinsyano” naman ang unang teleserye na sinalangan ni Ronwaldo. 

Pero bago pa man ito, ginawaran na si Ronwaldo bilang “Best Actor” sa Harlem International Film Festival sa New York City noong 2017.