Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang probinsya ng Batanes dakong 11:35 ng umaga nitong Lunes, Nobyembre 18, kung saan inaasahan ang aftershocks, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 8 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Basco, Batanes, na may lalim na 10 kilometro.
Bagama’t posible ang aftershocks, hindi naman daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.