December 23, 2024

Home BALITA National

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; patuloy na nagbabanta sa Aurora, N. Quezon

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; patuloy na nagbabanta sa Aurora, N. Quezon
Courtesy: PAGASA/FB

Napanatili ng Super Typhoon Pepito ang lakas nito at patuloy na nagbabanta sa Aurora at Northern Quezon, ayon sa 11 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, Nobyembre 17.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang Super Typhoon Pepito 120 kilometro ang layo sa southeast ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 255 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal No. 5

Luzon:

- Eastern portion ng Polillo Islands (Burdeos, Patnanungan, Jomalig)

Signal No. 4

Luzon:

- Aurora

- Quirino

- Nueva Vizcaya

- Southern portion ng Ifugao (Kiangan, Lamut, Tinoc, Asipulo, Lagawe)

- Southern portion ng Benguet (Bokod, Itogon, Tuba, Baguio City, Kabayan, La Trinidad, Sablan, Tublay, Kapangan, Atok)

- Southern portion ng La Union (Burgos, Naguilian, Bauang, Caba, Tubao, Pugo, Aringay, Santo Tomas, Rosario, Agoo, Bagulin, City of San Fernando)

- Eastern portion ng Pangasinan (Sison, Tayug, Binalonan, San Manuel, Umingan, Asingan, San Quintin, Santa Maria, Natividad, San Nicolas, Balungao, Pozorrubio, Laoac, San Jacinto, San Fabian, Manaoag, City of Urdaneta, Villasis, Rosales)

- Eastern portion ng Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon, Laur, Bongabon, Palayan City, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Lupao, San Jose City, Llanera, Carranglan)

- Northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta) kabilang na ang mga natitirang bahagi ng Polillo Islands

- Calaguas Islands

Signal No. 3

Luzon:

- Southern portion ng Isabela (San Agustin, Jones, Echague, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Dinapigue, Roxas, San Manuel, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Luna)

- Mga natitirang bahagi ng Ifugao

- Mountain Province

- Southern portion ng Abra (Tubo, Luba, Pilar, Villaviciosa, San Isidro, Pidigan, Langiden, San Quintin)

- Ilocos Sur

- Mga natitirang bahagi ng Benguet

- Mga natitirang bahagi ng La Union

- Mga natitirang bahagi ng Pangasinan

- Northern portion ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig)

- Tarlac

- Mga natitirang bahagi ng Nueva Ecija

- Northern portion ng Pampanga (Candaba, Arayat, Magalang, San Luis, San Simon, Mexico, Santa Ana, Apalit, Santo Tomas, City of San Fernando, Mabalacat City, Angeles City), the northern portion of Bulacan (Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Doña Remedios Trinidad, Angat, City of San Jose del Monte, Santa Maria, Pandi, Baliuag, Bustos, Pulilan, Plaridel)

- Northern portion ng Rizal (Pililla, Tanay, City of Antipolo, Rodriguez, Baras, San Mateo, Morong, Teresa)

- Eastern portion ng Laguna (Santa Maria, Famy, Mabitac, Pakil, Pangil, Siniloan, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti)

- Central at eastern portion ng Quezon (Real, Perez, Calauag, Alabat, Quezon, Mauban, Sampaloc)

- Western portion ng Camarines Norte (Santa Elena, Labo, Capalonga, Paracale, Vinzons, San Vicente, Talisay, Daet, Jose Panganiban)

Signal 2

Luzon:

- Metro Manila

- Mga natitirang bahagi ng Isabela

- Southwestern portion ng mainland Cagayan (Enrile, Tuao, Solana, Tuguegarao City, Piat, Rizal)

- Kalinga

- Southern portion ng Apayao (Conner, Kabugao)

- Mga natitirang bahagi ng Abra

- Ilocos Norte

- Mga natitirang bahagi ng Zambales

- Bataan

- Mga natitirang bahagi ng Pampanga

- Mga natitirang bahagi ng Bulacan

- Mga natitirang bahagi ng Rizal

- Cavite

- Mga natitirang bahagi ng Laguna

- Mga natitirang bahagi ng Quezon

- Mga natitirang bahagi ng Camarines Norte

- Camarines Sur

- Western portion ng Catanduanes (Pandan, Caramoran, San Andres)

Signal No. 1

Luzon:

- Mga natitirang bahagi ng mainland Cagayan

- Mga natitirang bahagi ng Apayao

- Batangas

- Northern portion ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan) kabilang na ang Lubang Islands

- Northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, Baco, Victoria, Socorro, Pinamalayan, Gloria, Pola, City of Calapan)

- Northern portion ng Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Romblon, Banton, Corcuera, Concepcion, San Andres, Calatrava, San Agustin)

- Marinduque

- Northern portion ng Masbate (City of Masbate, Mobo, Aroroy, Baleno) kabilang na ang Burias at Ticao Islands

- Albay

- Sorsogon

- Mga natitirang bahagi ng Catanduanes

Base sa forecast track ng PAGASA, inaasahang magla-landfall ang bagyong Pepito sa Aurora mamayang tanghali. Pagkatapos nito, tatawid ang bagyo sa northern portion ng Central Luzon at southern portion ng Northern Luzon sa pamamagitan ng upland regions ng Sierra Madre, Caraballo, at Cordillera Central sa pagitan ng tanghali at gabi.

Posibleng lumabas ang bagyong Pepito sa kalupaan ng Luzon mamayang gabi.

Bukod dito, inaasahang bahagyang hihina ang bagyo bilang “typhoon” bago ang ikalawang pag-landfall nito.

Posibleng lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo pagsapit ng bukas ng Lunes ng umaga o tanghali, Nobyembre 18.