November 17, 2024

Home BALITA National

Pepito, nasa karagatan na sa silangan ng Quezon; 2 lugar sa Luzon, nasa Signal #5

Pepito, nasa karagatan na sa silangan ng Quezon; 2 lugar sa Luzon, nasa Signal #5
Courtesy: PAGASA/FB

Nakataas sa Signal No. 5 ang dalawang mga lugar sa Luzon dahil sa Super Typhoon Pepito na nasa karagatan na sa silangan ng Quezon, ayon sa 8 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, Nobyembre 17.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang Super Typhoon Pepito sa coastal waters ng Vinzons, Camarines Norte.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 255 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

National

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; patuloy na nagbabanta sa Aurora, N. Quezon

Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal No. 5

Luzon:

- Eastern portion ng Polillo Islands (Patnanungan, Jomalig) 

- Calaguas Islands

Signal No. 4

Luzon:

- Northernmost portion ng Camarines Sur (Siruma)

- Mga natitirang bahagi ng Camarines Norte

- Northern portion ng mainland Quezon (General Nakar, Infanta)

- Mga natitirang bahagi ng Polillo Islands

- Central at southern portions ng Aurora (Dingalan, San Luis, Maria Aurora, Baler, Dipaculao, Dinalungan)

- Eastern portion ng Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon, Laur, Bongabon, Palayan City, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad)

- Southeastern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castañeda)

- Southern portion ng Quirino (Nagtipunan)

Signal No. 3

Luzon:

- Northern portion ng Camarines Sur (Sipocot, Ragay, Magarao, Del Gallego, Libmanan, Naga City, Bombon, Lupi, Cabusao, Calabanga, Goa, San Jose, Lagonoy, Presentacion, Caramoan, Garchitorena, Tinambac, Canaman, Camaligan)

- Western portion ng Catanduanes (Caramoran, Pandan, San Andres)

- Eastern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Lopez, Quezon, Perez, Alabat, Gumaca, Plaridel, Atimonan, Mauban, Sampaloc, Real)

- Eastern portion ng Laguna (Santa Maria, Famy, Mabitac, Pakil, Pangil, Siniloan, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti)

- Eastern at central portions ng Rizal (Pililla, Tanay, City of Antipolo, Rodriguez, Baras, San Mateo, Morong, Teresa)

- Mga natitirang bahagi ng Aurora

- Eastern at central portions ng Bulacan (Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Doña Remedios Trinidad, Angat, City of San Jose del Monte, Santa Maria, Pandi, Baliuag, Bustos, Pulilan, Plaridel)

- Northeastern portion ng Pampanga (Candaba, Arayat, Magalang, San Luis, San Simon, Mexico, Santa Ana, Apalit, Santo Tomas, City of San Fernando, Mabalacat City, Angeles City)

- Mga natitirang bahagi ng Nueva Ecija

- Tarlac

- Northern portion ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig)

- Mga natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya

- Mga natitirang bahagi ng Quirino

- Southern portion ng Isabela (San Agustin, Jones, Echague, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon)

- Central at southern portions ng Ilocos Sur (Alilem, Sugpon, Cervantes, Suyo, Tagudin, Narvacan, Quirino, Sigay, Gregorio del Pilar, San Emilio, Santa Cruz, Salcedo, Banayoyo, City of Candon, Galimuyod, Santa Lucia, Lidlidda, Santa Maria, Burgos, Santiago, San Esteban, Nagbukel)

- La Union

- Pangasinan

- Benguet

- Ifugao

- Western portion ng Mountain Province (Sabangan, Bauko, Tadian, Bontoc, Sagada, Besao, Sadanga, Barlig)

- Southern portion ng Abra (Tubo, Luba, Pilar, Villaviciosa, San Isidro)

Signal 2

Luzon:

- Metro Manila

- Albay

- Northern portion ng Marinduque (Santa Cruz, Boac, Mogpog, Torrijos)

- Mga natitirang bahagi ng Quezon

- Mga natitirang bahagi ng Laguna

- Mga natitirang bahagi ng Rizal

- Cavite

- Northern portion ng Batangas (City of Tanauan, Santo Tomas, Talisay, Lipa City, Malvar, Balete, Mataasnakahoy, Laurel, Padre Garcia, San Juan, Rosario)

- Bataan

- Mga natitirang bahagi ng Pampanga

- Mga natitirang bahagi ng Bulacan

- Mga natitirang bahagi ng Zambales

- Southwestern portion ng Cagayan (Enrile, Tuao, Solana, Tuguegarao City, Piat, Rizal)

- Mga natitirang bahagi ng Isabela

- Mga natitirang bahagi ng Abra

- Southern portion ng Apayao (Conner, Kabugao)

- Kalinga

- Mga natitirang bahagi ng Mountain Province

- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur

- Southern portion ng Ilocos Norte (Pinili, City of Batac, Banna, Nueva Era, Badoc, Currimao, Marcos, Solsona, Dingras, Sarrat, Paoay, Laoag City, San Nicolas)

Signal No. 1

Luzon:

- Northern portion ng Masbate (City of Masbate, Mobo, Aroroy, Baleno) kabilang na ang Ticao at Burias Islands

- Sorsogon

- Mga natitirang bahagi ng Marinduque

- Northern portion ng Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Romblon, Banton, Corcuera, Concepcion, San Andres, Calatrava, San Agustin)

- Northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, Baco, Victoria, Socorro, Pinamalayan, Gloria, Pola, City of Calapan)

- Northern portion ng Occidental Mindoro (Sablayan, Santa Cruz, Mamburao, Abra de Ilog, Paluan) kabilang na ang Lubang Islands

- Mga natitirang bahagi ng Batangas

- Mga natitirang bahagi ng mainland Cagayan

- Mga natitirang bahagi ng Apayao

- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte

Base sa forecast track ng PAGASA, inaasahang lalapit ang bagyong Pepito sa Polillo Islands bago magtanghali, bago ito magla-landfall sa northern Quezon o sa central o southern Aurora sa tanghali. Pagkatapos nito, tatawid ang bagyo sa northern portion ng Central Luzon at southern portion ng Northern Luzon sa upland areas ng Sierra Madre, Caraballo, at Cordillera Central sa pagitan ng tanghali at gabi.

Inaasahang bahagyang hihina at ibababa sa “typhoon” category ang bagyo bago ang ikalawang pag-landfall nito.