December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jen Barangan, palabang sinagot netizens na nang-intriga sa Dua Lipa concert

Jen Barangan, palabang sinagot netizens na nang-intriga sa Dua Lipa concert
Photo courtesy: Screenshots from Jen Barangan (TikTok)

Hindi pinalagpas ng social media personality na si Jen Barangan ang ilang netizens na tila sarkastikong nagtanong sa kaniya kung bakit hindi na siya nag-video ng sarili habang kumakanta with matching flashlight, nang dumalo siya sa concert ni Dua Lipa kamakailan.

Ibinahagi kasi ni Jen noong Nobyembre 14 ang video ng pagtungo niya sa concert ng English-Albanian singer na "Radical Optimism Tour na ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Makikita sa video na nakapokus lamang si Jen kay Dua Lipa, hindi kagaya sa nauna niyang video noon kay Olivia Rodrigo na na-bash matapos niyang ipakita ang sarili habang kumakanta.

Sa video, makikitang nag-video pa rin naman si Jen habang masayang-masayang sumasabay sa hype ng audience, pero hindi na siya gumamit ng flashlight. 

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Naging isyu sa mga netizen ang paggamit niya ng flashlight habang sinasabayan ang pagbirit ni Olivia.

Sey ng mga netizen, "pet peeve" ito para sa kanila dahil nakakaistorbo sa iba pang mga manonood sa likuran ang paggamit niya ng flashlight.

Kaya ilang netizens ang nagtanong kay Jen kung bakit hindi siya nag-video ng sarili ngayon.

Tanong ng isa, "Na trauma nnais mis jen dli nani mag video magkanta" o may salin sa wikang Filipino na "Na-trauma na si Mis Jen, hindi na niya gustong mag-video at kumanta."

Tugon ni Jen, "Lisod na" na ang ibig sabihin sa wikang Cebuano ay "Mahirap na."

Pero sa ibang mga tila pauyam na komento ay matapang itong sinagot ni Jen.

"daaaah wanay flashlight oy tagam lage ma bash (daaaah, wala nang flashlight, oy , tawa na lang, ma-bash pa )," banat ng isa.

"Angelica parang time na para tanggalin ang nakalagay sa profile mo na 'The best of it all is, God is with us' hindi bagay," sukli ni Jen.

Hirit naman ng isa, "Bat d mosinabayan yung kanta?? Hahahaha."

Pasimpleng tugon ni Jen, "Para makasabay ka."

"Sana nag video ka ulit na may flash na nakatutok sayo maam..para nasulit talaga yung .....basta ano.hahhaha" panonoplak ng isa.

"Yoko Chris, ikaw naman try mo," simpleng asik ng content creator.

Sa kabilang banda, ilang netizens naman ang nagpahayag ng pagtatanggol kay Jen.

"Some people here keeps on recalling someone's mistakes as if they haven't commit mistakes. Come'on people, Jen had learned, how bout you? Putting stain on their fellow's clothes without taking off their own. Feeling perfect and too insecure, sadly. On the healthier side, we are happy for you, Jen! Keep on going."

"Ung mga negative comment d2, about flashlight issue. Kala mo d nagkakamali xa buhay ee. Kala perpekto na hindi nagkakamali. I am not a fan or something. Nakakatawa lang ung iba. Pauilit ulit. Lesson learned na sia mga dzai. Move on! "

"move on na guys. she learned her lesson na. why don't you give her a break. happy happy lang po "

"Finally ms. jenbarangan no more flash light.... And more power poh sa page nio... been following u since ur day 1... and I'm happy din poh sa lahat ng mga achievements mo... people made mistakes but the important thing is we learned from our mistakes... juz love love and love ms. Jen."

KAUGNAY NA BALITA: Jen Barangan, nagsalita na sa isyu ng kawalan ng concert etiquette

KAUGNAY NA BALITA: Jen Barangan, kinuyog matapos mag-lights on recording sa Olivia Rodrigo concert