Tila nasa hubad era na ang Kapamilya actor na si Jameson Blake ngayong nailunsad na siya bilang newest underwear model ng isang clothing brand.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Sabado, Nobyembre, 17, itinampok ni showbiz insider Ogie Diaz ang panayam niya kay Jameson.
Ayon sa aktor, gusto raw niyang i-level up ang kaniyang career kaya nagpagdesisyunan niyang magpaseksi.
“'It's about time to take my career to the next level. I’ve been in the career for 9 years na. Siyempre nanggaling tayo sa pa-tweetums tapos pa-sexy sa movies. So just taking it to another level,” saad niya.
“I think it’s one way for me to get more opportunities and to keep my career going. Siyempre I can’t stay in one spot. [...] I have to challenge myself,” wika pa ni Jameson.
Tila nagulat daw ang mga kaibigan at kakilala ng aktor sa pagiging hubadero niya. Pero masaya at proud pa rin naman daw ang mga ito sa kaniya.
Sa kabila nito, patuloy pa rin naman daw niyang gagawin ang mga dati na niyang ginagawa tulad ng pag-arte. In fact, may show daw siya under ABS-CBN soon.