Naging emosyunal ang personal assistant at kaibigan ni Kapuso star Heart Evangelista na si Resty Rosell o kung tawagin ay “Ate Resty” nang kapanayamin siya sa reality series na “Heart World.”
Sa latest episode ng nasabing serye nitong Sabado, Nobyembre 7, sinabi ni Ate Resty na itinuring na raw siyang pamilya sa loob ng 20 taon paninilbihan niya sa kaniyang ama.
“20 years na kaming magkasama. Naku, grabe, working with 'Ganda,' tinuring kang family," saad ni Ate Resty sabay takip ng mukha dahil sa bigla niyang pagluha.
Kung pagbabatayan ang sinabi ni Heart, tila hindi lang personal assistant si Ate Resty sa kaniya dahil nagsilbi rin umano itong “good compass.”
"She knew who I was. She's also like a good compass kung tama ba 'tong nagawa ko o hindi," aniya.
Matatandaang kasama si Ate Resty sa mga nakatanggap ng Hermes bag at designer bag mula kay Heart bilang Christmas gift nito.