Nagpasalamat si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa isang lifestyle magazine matapos siyang gawaran ng parangal na ginanap sa Shangri-La The Fort, Manila.
Ang nabanggit na parangal ay "Impact Award for Culture," na iginawad sa kaniya dahil sa naging impluwensya niya matapos ang pagkapanalo sa 2024 Paris Olympics.
"Honored and humbled to receive the Tatler Impact Award for Culture " ani Caloy.
"Inaanyayaan ko po na patuloy natin hubugin ang kultura sa sports at suportahan ang mga atletang Pilipino " aniya pa.
Batay sa mga larawang ibinahagi niya sa Instagram post, kasama niya sa awarding ceremony ang jowang si Chloe San Jose.