Masayang ibinahagi ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang natanggap niyang pagkilala mula sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sa isang Instagram post ni Gerald kamakailan, pinasalamatan niya si Senator Robin Padilla sa ipinasa nitong resolusyon para sa kaniyang promotion.
“Salamat Senator Robin Padilla for passing the Resolution for this promotion.. Napakalaking bagay para sa akin ang iyong paghanga sa aking nagawa,” saad ni Gerald.
“Gagamitin ko ito para lalong ma-inspire ang ating kabataan.. at makapag bigay pa ng awareness sa ating Philippine Coast Guard.
Dagdag pa ng aktor: “Salamat sa aking Philippine Coast Guard Famliy sa promotion na ito at sa walang sawang suporta sa aking mga endeavours.”
Matatandaang noong Agosto ay ginawaran din si Gerald ng PCG Auxiliary Search and Rescue medal and ribbon dahil sa kaniyang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina noong Hulyo.
MAKI-BALITA: Gerald Anderson, pinarangalan ng PCG