December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Mark Anthony, umamin na sa kumalat na maselang video

Mark Anthony, umamin na sa kumalat na maselang video
Photo Courtesy: Screenshots from Julius Babao (YT)

Nagbigay na ng pahayag ang aktor na si Mark Anthony Fernandez kaugnay sa maselang video nila ng kaniyang girlfriend na kumalat noong Hulyo.

Sa latest episode ng vlog ni broadcast-journalist Julius Babao kamakailan, sinabi ni Mark na hindi raw niya kasalanang kumalat ang nasabing video.

“Ang nangyari po no’n, no’ng na-hack ako, hindi siya circuit hack. Nangyari mano-manong hack sa party ng mga tropang babae kaya nagkaroon po ng leakage. Na-open. Nakuha.”

Bukod dito, nilinaw din ng aktor na lumang video na raw ito at hindi raw bahagi ng eksena niya sa pelikula.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“So, ikaw talaga ‘yon? Ikaw ‘yong nando’n sa video?” usisa ni Julius.

Sagot naman ni Mark, “opo.”

Pero sa kabila nito, hindi naman daw nakaramdam ng galit si Mark nang kumalat ang video dahil hindi naman daw siya nagmukhang masama.

“Magagalit ako kung ‘yong edited version mukha akong masama. Siguro ‘yong hindi ko hawak [‘yong camera] , ini-spy-an ko ‘yong girl,” aniya.

MAKI-BALITA: Mark Anthony Fernandez, may kumakalat na maselang video?