December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Wish ni Ogie sa tsikang engagement nina Nadine, Christophe: 'Sana naman 'di maudlot'

Wish ni Ogie sa tsikang engagement nina Nadine, Christophe: 'Sana naman 'di maudlot'
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), Christophe Bariou (IG)

Ipinaabot ni showbiz insider Ogie Diaz ang hiling niya sa mag-jowang sina Nadine Lustre at Christophe Bariou matapos lumutang ang espekulasyong engaged na umano ang dalawa.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Huwebes, Nobyembre 14, sinabi ni Ogie na sana raw ay hindi maudlot ang kanilang engagement gaya sa ibang artista.

“Sana naman ‘di maudlot ‘yan. Ilang beses nang nagkakaroon ng engagement ang ilang artista mula kay Bea-Dom, Sam-Catriona na nagkaroon sila ng engagement,” saad ni Ogie.

“E, siyempre sinasabi nila ‘it comes in threes.’ [...] Ibig sabihin, nangyayari daw ‘yan sa tatluhan. Tatlong pangyayari para sa isang eksena,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Pero,” pasubali ng showbiz insider, “hindi naman laging totoo ‘yan. Malay naman natin kay Nadine at Christophe ay talaga namang sincere sila sa isa’t isa.”

Matatandaang nagsimula ang tsika na engaged na ang dalawa matapos ibahagi ni Nadine ang letter na natanggap niya mula sa kaniyang French boyfriend.

Ngunit ayon sa isang entertainment website na “Fashion Pulis,” nilinaw raw ng mag-jowa sa pamamagitan ng Instagram live na hindi pa raw sila engaged.

MAKI-BALITA: Nadine Lustre, Christophe Bariou engaged na nga ba?