Tatlong lucky bettors ang sabay-sabay na naging instant milyonaryo nang mapanalunan ang jackpot prizes ng SuperLotto 6/49 at Lotto 6/42 na kapwa binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 14.
Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng isang lucky bettor ang winning combination na 21-29-25-14-27-26 ng SuperLotto 6/49 kaya't naiuwi nito ang katumbas na premyong P129,075,826.40.
Nabili ang winning ticket sa Ormoc City, Leyte.
Samantala, dalawang lucky bettors naman ang nakahula sa winning combination ng Lotto 6/42 na 05-07-37-19-12-10, kaya't paghahatian nila ang katumbas na premyo nito na P12,825,306.
Nabili naman ang dalawang lucky tickets sa Mexico, Pampanga at San Mateo, Rizal.
Ang SuperLotto 6/49 ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Linggo habang ang Lotto 6/42 naman ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.