December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kylie Verzosa, masaya sa jowa kahit 'tago' ang relasyon

Kylie Verzosa, masaya sa jowa kahit 'tago' ang relasyon
Photo Courtesy: Kylie Verzosa (IG)

Ibinahagi ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa ang estado ng relasyon nila ng kaniyang jowa na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya isinasapubliko.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Huwebes, Nobyembre 14, sinabi ni Kylie na masaya raw siyang nananatiling pribado ang kanilang relasyon.

"He is a very private person. We both decided to keep it like this. Honestly, it is so much better and so much peaceful. Walang pressure,” saad ni Kylie.

Dagdag pa niya: “I don't feel the need for the public to see the relationship. Mas na-appreciate ko ganito lagay."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bagama’t hindi niya pinangalanan, nagbigay ng ilang pahapyaw na detalye si Kylie tungkol sa kaniyang jowa na ayon sa kaniya ay nagtatrabaho umano sa tech industry at “super green flag.”

Aniya, "He has been so supportive of everything I do. Since sola is an e-commerce business, he has been helping. I am so happy," she said.

“I am growing as a person. I am learning so much from him. I am really happy," dugtong pa ng beauty queen-actress.

Matatandaang Disyembre 2023 nang aminin ni Kylie na in a relationship daw siya sa isang non-showbiz person.

MAKI-BALITA: Kylie Verzosa, umaming may ka-date na Afam