December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Ellen Adarna 'di trip ang gender reveal, baby shower

Ellen Adarna 'di trip ang gender reveal, baby shower
Photo Courtesy: Ellen Adarna (IG)

Tinugon ng aktres na si Ellen Adarna ang isang netizen na naghayag ng pananaw nito hinggil sa gender reveal at baby shower.

Sa latest Instagram post kasi ni Ellen kamakailan, nagkomento ang netizen para ibahagi ang kakilala raw nitong panay utang masunod lang ang kapritso sa buhay.

“Mabuti pa ‘to si [Ellen] kahit may kakayahang mag gender reveal and lahat lahat, still remained quiet lang,” saad ng netizen.

Dagdag pa nito: “Yung kakilala ko, di baleng lomobo ang kautangan, maitawid lang ang mga kapritso na di naman afford,” saad ng netizen.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Hayaan mo lang sila kung ano trip nila sa buhay. Kanya kanyang trip lng yan,” sagot ni Ellen. “Basta ako wala kong gender reveal walang baby showrer and wala akong utang - diko trip mga ganyan hehehe.”

Tila marami naman ang um-agree at naka-relate sa sinabi ng aktres. Narito ang ilang komento ng mga netizen:

" I agree with Ms. Ellen, pasagdae rana sila oy. Mao pud ila form of happiness. Kanya2 man gud ta kalipay. Importante dili ikaw, kundi siya mugasto and mubayad saiya utang. Just saying "

"HAHAHAHA mindset like Ms Ellen GANUN!"

"sana lahat kagaya mo. "

"same here!"

" low profile is the key.. at peace of mind and no "

"tinamaan ako SA walang utang, pra lng makapag bongga miss Ellen idol talaga Kita "

Matatandaang naisilang na kamakailan ni Ellen ang panganay niya sa kaniyang mister na si Derek Ramsay matapos niyang makunan noong 2023.

MAKI-BALITA: Derek, proud na flinex ang misis na si Ellen at baby nila