December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Christophe, may nilinaw tungkol sa engagement nila ni Nadine

Christophe, may nilinaw tungkol sa engagement nila ni Nadine
Photo Courtesy: Christope Bariou (IG)

Nagbigay ng paglilinaw ang ang French non-showbiz boyfriend ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou kaugnay sa espekulasyong engaged na umano silang dalawa.

Sa isang Instagram Live ni Nadine kamakailan, sinabi ni Christophe na hindi raw sila engaged ng nobya.

“We have to go, guys, cause I still have work,” natatawang sabi ni Nadine. “But also before we leave, one last thing—”

“We’re not engaged,” agaw ni Chrisophe.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pagpapatuloy naman ni Nadine, “No, one last thing I do have coming out this is something three years na in the making and we’re keeping it secret this time pero malapit nang i-launch. So, I’m very excited to this project.”

Pero sa ngayon, wala pa raw pinagsasabihan si Nadine tungkol sa bagay na ito. At kahit pinipilit siya ng nobyong magsalita, panay lang ang tanggi niya.

Matatandaang nagsimula ang tsika na engaged na ang dalawa matapos ibahagi ni Nadine ang letter na natanggap niya mula sa kaniyang French boyfriend.

MAKI-BALITA: Nadine Lustre, Christophe Bariou engaged na nga ba?