Tila nahanap na ng mga netizen ang bagong “Marimar” ng kasalukuyang henerasyon sa katauhan ni Kapamilya star Andrea Brillantes.
MAKI-BALITA: Kung sakaling may remake ulit: Kathryn, bagay maging 'Marimar'
Sa latest Instagram post kasi ni Andrea nitong Huwebes, Nobyembre 14, ibinahagi niya ang serye ng kaniyang mga larawang naka-Marimar costume.
“Costeñita soy! ” saad ni Andrea sa caption.
Umani ang nasabing post ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"OUR MARIMAR"
"Nakaka iyak yang kagandahan mo"
"new gen marimar"
"Omg bagay maging Marimar"
"you’re literally marimar"
"Can't wait for you to be the next Marimar!"
"OMGGGGG"
"Marimar now superb ang ganda"
"Pretty Gen Z Queen Blythe Amazing and talented "
Ngunit bago pa man ito, matatandaang ilang celebrities na rin ang sumubok na gayahin ang iconic character na unang pinasikat ng Mexican superstar na si Thalia.
MAKI-BALITA: Sachzna Laparan, natalbugan si Zeinab Harake bilang Marimar?
MAKI-BALITA: Zeinab nag-ala Marimar, aprub ba kay Marian?
MAKI-BALITA: Alex Gonzaga sa pando-dogshow ni Luis: 'Eh bakit di mo tapusin [buhay mo]'