December 22, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Alden, handa nang magmahal pero 'di alam paano maging boyfriend

Alden, handa nang magmahal pero 'di alam paano maging boyfriend
Photo Courtesy: Alden Richards (IG)

Inamin ni “Hello, Love, Again” star Alden Richards na handa na raw siyang sumugal muli sa pag-ibig bagama’t hindi raw niya alam kung paano magiging mabuting nobyo.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Alden ang dahilan kung bakit tila natatakot siyang magmahal ulit.

“I’ve been single for the longest time and I don’t know how I am in a relationship right now than my first one because ‘yong una ko po was way back when I was in high school. And parang na-focus po ako sa work,” saad ni Alden.

“Natatakot ka?” usisa ni Boy.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“In a way po that’s part of it po, e,” sagot ng aktor. “It’s also a hello for me in a good way. What will happen? What will change within me.”

Pero sa kabila nito, handa na raw si Alden na sugulan ang pag-ibig dahil nasa punto na raw siya ng buhay na kinuwestiyon niya ang sarili kung mananatili na lang ba siya sa comfort zone niya.

Aniya, “Kapag lagi kang nasa comfort zone mo, there’s no growth in there. Walang paglaki sa pagkatao. Walang pagdiskubre sa mga bagay na ‘di mo pa nasusubukan.” 

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, sinagot naman ni Alden kung nanliligaw na ba siya ngayon sa co-star niyang si Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

MAKI-BALITA: Nakapunta na raw sa bahay: Alden, nagsalita na kung nililigawan si Kathryn!