December 27, 2024

Home BALITA National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela
Courtesy: PAGASA/FB

Napanatili ng Super Typhoon Ofel ang lakas nito habang kumikilos pa-west northwest sa hilagang-silangan ng Echague, Isabela, ayon sa 11 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Nobyembre 14.

Base sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang Super Typhoon Ofel 135 kilometro ang layo sa northeast ng Echague, Isabela.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 230 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Signal No. 5:

Northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga)

Signal No. 4:

Babuyan Islands

Northern at eastern portions ng mainland Cagayan (Santa Teresita, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Lal-Lo, Allacapan, Gattaran, Baggao, Peñablanca) 

Northeastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan)

Signal No. 3:

Batanes

Mga natitirang bahagi ng Cagayan

Northern, central, at southeastern portions ng Isabela (San Pablo, Delfin Albano, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, San Mariano, Dinapigue)

Northern portion ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol, Calanasan, Kabugao)

Northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg)

Signal No. 2:

Western at southern portions ng Isabela (Quezon, Quirino, Mallig, San Manuel, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, Reina Mercedes, Luna, Roxas, Angadanan, Alicia, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, San Mateo, San Isidro)

Northeastern portion ng Quirino (Maddela)

Mga natitirang bahagi ng Apayao

Kalinga

Northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman)

Eastern portion ng Mountain Province (Paracelis)

Eastern portion ng Ifugao (Alfonso Lista)

Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte

Northern portion ng Aurora (Dilasag)

Signal No. 1:

Mga natitirang bahagi ng Isabela

Mga natitirang bahagi ng Quirino

Nueva Vizcaya

Mga natitirang bahagi ng Mountain Province

Mga natitirang bahagi ng Ifugao

Mga natitirang bahagi ng Abra

Northern portion ng Benguet (Bokod, Mankayan, Kapangan, Atok, Kabayan, Kibungan, Bakun, Buguias, Tublay)

Ilocos Sur

Northern portion ng La Union (Luna, Sudipen, Bangar, Santol, San Gabriel, Bagulin, Bacnotan, Balaoan, San Juan)

Northern at central portions ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis)

Sa forecast track ng PAGASA, inaasahang kikilos ang bagyong Ofel pa-northwestward sa Philippine Sea bago ito magla-landfall sa east coast ng Cagayan ngayong tanghali.

Samantala, maaaring magkaroon ng weakening trend ang bagyo dahil sa interaksyon nito sa kalupaan ng Luzon at Taiwan, maging sa “unfavorable environment” sa Luzon Strait at sa karagatan sa silangan ng Taiwan.

Gayunpaman, posible raw na mag-landfall ang bagyo habang nasa o malapit sa “super typhoon” category.